alam ko kanina maraming nakakita sa kin...
grabe!
obvious na obvious naman kasi eh!
grabe!
naaasar lang talaga ako...
kasi...
aral ako ng aral tas marami pa kong mali...
as in...
binabasa ko pa nga yung mga discussion sa book bago ako magsagot...
naaasar lang talaga ako...
lagi na lang mali...
samantalang yung iba diyan..
pakopya-kopya lang...
as in yung sagot...
kinokopya lang sa iba...
di man lang naghihirap magsolve...
di ko na talaga mapigilan yung sarili ko...
inaaral ko yun...
sinosolve ko isa-isa..
halos di na nga ako matulog sa pagsasagot eh!
ngayong na-checkan na yun...
alam ko na yung mali ko...
at least alam ko na...
nakaka-bad trip lang kasi...
yung iba, ANG TAAS NG NAKUKUHANG SCORE...
pero NANGONGOPYA...
ilang araw na rin kasi akong nakakapansin sa mga scores ko...
lagi na lang ata akong lowest...
aral naman ako ng aral...
tas isa pa..
yung prof..
pinagpipilitan yung maling sagot...
kahit ipakita ko pa yung solution ko eh!
sure na sure ako sa sagot ko...
ang kulit lang kasi...
pinagpipilitan yung mali...
buti na lang, andyan ang BOGA...
pansamantala kong nalimutan yung mga yun...
pero pag-uwi ko...
mag-isa na lang ako...
na-iisip ko na yung mga nangyari sa scores ko...
bakit ang baba kahit na nag-aaral ako?
bakit yung mga nangongopya, ang tataas?
bakit napaka-unfair naman?
di lang ako makaiyak...
pinipigilan ko lang sarili ko...
nakakahiya...
nakasakay ako ng LRT...
daming tao...
pagdating ko ng bahay...
masakit na likod ko ng kakabuhat ng mga libro...
umiyak talaga ako ng todo-todo...
kelangan ko na talagang umiyak...
sabi na lang ng nanay ko...
aralin ko na lang uli...
tska pag nag-test...
di naman alam ng mga nangongopya kung pano mag-solve...
kopya lang sila ng kopya...
hay!
nailabas ko rin...
babalik din sa mga yun yung mga ginagawa nila....
makakabawi din ako...
alam ko ang sarili ko...
alam kong alam ko yung mga ginagawa ko...
alam ko kung san ako nagkamali...
alam ko na kung pano gawin yung mga mali ko...
UMPISA PA LANG NG SEM!