Panginoon, gawin mo Akong instrumento ng Iyong presensya sa halalan,
Kung saan may pananakot at kaguluhan,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pagmamahal.
Kung saan may panunuhol at bilihan ng boto,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng dangal.
Kung saan may pagkawatak-watak,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pagkaka-isa.
Kung saan may pandaraya sa halalan,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng katapatan
Kung saan may panlilinlang at maling propaganda,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng katotohanan.
Kung saan may kawalang malasakit,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pangangalaga at pakikibahagi.
At kung saan may kawalang pag-asa sa proseso ng halalan,
Hayaan Mong ihasik ko ang binhi ng pag-asa.
Banal na Panginoon, ipahintulot Mong huwag akong mag-isip ng pansariling hangarin habang ako'y bumoboto ng karapat-dapat na kandidatong kakatawan sa tunay na kahulugan ng serbisyo-publiko ayon sa nararapat na pamantayang moral.
Maria, aming Mahal na Ina, yakapin mo kami ng iyong maka-Inang pag-kalinga.
Idinadalanging naming sa pamamagitan mo ang isang malinis, tapat, tiyak, makahulugan at mapayapang halalan, sapagkat nasa mapanagutang pagboto na aming makakamit ang tunay na demokrasya at sa kamatayang ng binhi ng pagiging maka-sarili,kami'y isinilang para sa buhay na walang hanggan. Amen.
San Lorenzo Ruiz, Ipanalanging mo kami.
Beato Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami.
Nang sa lahat ng bahagi ang Diyos ay dakilain.
~ from PPCRV