7/04/2010

Big Problem! Money!

Ang laki-laki ng problema ko sa pera...
Ang laki-laki ng babayaran ko sa libro...
P3,500..

Di ko alam kung san kukuha ng pambayad dun..
Araw-araw na nga ko sinisingil ng treasurer ng klase namin..
Puro alibi na nga lang ako eh...

Di naman ako makahingi sa nanay ko...
Last week kasi nanghingi ako ang sinabi nia sakin...
Wag mo na nga ko pag-isipin ng problema..

Kaya yan!
Isang linggo na ko nag-iisip kung san ko kukunin yang perang yan...

Kahit isang linggo akong di kumain, di ko maiipon ang ganyang halaga...
Kung pede nga lang di kumuha ng libro gagawin ko na...
Kaso hindi pede...
Kung tutuusin, di ko naman kelangan ng libro...
Makakapag-aral naman ako kahit di bumili ng libro...
Makakatapos naman ako kahit walang libro...
Madami namang mahihiraman eh...


Di naman ako makapangutang sa mga kaibigan ko...
Kasi kahit san ko man tignan, utang pa rin yon..
Hai...

Masama mang magdasal na magkapera...
Pero halos yun na ang dinadasal ko...
E pano naman ako kikita ng ganyang kalaking halaga sa loob ng isang linggo...

Sinubukan ko na nga sumali sa ODesk dati pa...
Baka me kumuha sakin na magtrabaho dun online...
Pero madalang naman...
Sa 20 na inapplyan ko... isa lang ung nag-interview sakin... tas di pa natanggap...

Minsan nga hinihiling ko na sana me mahulog na isang milyon sa harap ko para wala na kong problema sa lahat ng babayarin hanggang makagraduate ako...

Sensya na sa blog ko...
Wala akong mapagsabihan ng problema ko...
Di ko masabi sa nanay at tatay ko...
Di ko rin masabi sa mga kaibigan ko...

Minsan nga...
Naiisip ko na lang na bakit ba ko namomoblema sa pera...
E, pera lang naman yan...
Di naman masyadong mahalaga...

E, pano naman ako ngayon...
Ginigipit na ko...
Araw-araw na lang ako sinisingil ng treasurer...
Kung pede lang sanang maging invisible na lang ako...
Gagawin ko na...

Hai...