I have a conversation with my mother this night..
We talked about my studies..
O tama na kakaingles...
Ninonose-bleed na ko..
Pinag-usapan namin yung tungkol sa nalalapit na paglabas ng resulta ng evaluation.
Napapansin ko kasi na karamihan sa mga classmate ko ay sobrang kinakabahan sa resulta.
Madalas kong naiisip at naitatanong sa sarili, "Bat ganun? Bat kinakabahan sila ng todo-todo?"
Kinakabahan din naman ako, pero di katulad ng iba na oras-oras kinakabahan.
Gabi-gabi, naiisip ko rin naman ung resulta ng evaluation pero pag naiisip ko yun, nagdadasal na lang ako..
At salamat sa Diyos! Nakakatulog naman ako ng mahimbing.
Naikukwento ko rin sa kanya na minsan napapagod na ako at sobrang nahihirapan.
Iniisip ko na lang na ang lahat ng hirap na dinadanas ko ay masusuklian din balang-araw.
Pero syempre, kahit gano ako mag-positive-thinking, dumadating pa din sa punto na nawawalan na ako ng pag-asa.
Natatakot din naman ako.
Syempre, di ko hawak sa kamay ko ang lahat.
Naikwento naman ng Nanay ko ang naidadasal niya sa Diyos gabi-gabi.
Sabi niya, ganito daw ang dasal niya:
"Alam Niyo po kung gano kalaki ang sinakripisyo ng anak ko sa pag-aaral.
Nakikita Niyo po ang lahat ng pag-hihirap niya.
Pero kung ano man po ang magiging kalalabasan nito.
Maluwag ko pong tatanggapin ang kaluoban Niyo."
Na-touch ako..
Sa totoo lang..
Di ko na ikwinento sa Nanay ko kung ano ang dinadasal ko gabi-gabi tuwing naiisip ko ang evaluations.
Tuwing gabi, heto ang aking dasal:
"Lord, tulungan Niyo po ako.
Alam ko po na hindi ako ganoong kasipag.
At minsan ay tinatamad din ako.
Hiling ko lang po na tulungan Niyo po ako sa evaluation.
Tulungan Niyo po ako.
Sa totoo lang po, gustong-gusto ko na pong maka-graduate.
Gustong-gusto ko na pong maka-graduate.
Ito lang ang naiisip kong paraan para masuklian lahat ng paghihirap ng Nanay ko.
Mapasaya ko man lang siya sa pamamagitan nito.
Tulungan Niyo po akong masuklian ang lahat ng pagod ng Nanay ko."
Sa bandang huli, isa lang ang pumasok sa isip ko.
Pinag-dadasal namin ng Nanay ko ang isa't-isa.
(teary eyes)